Saturday, November 29, 2014

Sakripisyo Mo, Ginhawa Ko

Pagbabayad ng utang ang una
Pag tanggap ng bonus wag muna magpabongga
Kapakanan ng mga inutangan ang unahin kapagdaka

Pera ba ang dahilan ng paghihiwalay nyong magkaibigan?
Wag naman, relasyon ay higit kaysa anong yaman 
Ikaw na nangutang, matutong makipaga-usap naman
Nang di makasakit ng kalooban ng umaasang kaibigan

Akong si Ancheta  ang nagsasalita nito 
Hatid ay pasasalamat sa mga taong natakbuhan ko (hindi tinakbuhan ha)
Nang sa kagipitan nagdulot ng ginhawa ko
Sa laki ng puso nyo, mahal na mahal ko kayo

Kaya sa paskong ito, kayo ang uunahin ko
Di man matumbasan tulong na may sakripisyo
Di ko namalayang talata’y nabuo ko

Isang tulang nais iaalay sa inyo J

Friday, August 29, 2014

KARUNUNGAN


Ang karunungang pansamantala
Sinisikap kong makuha at maging ng iba pa
Sarili’y kailangang ihanda, upang may panlaban ka
Dahil ito ang makapag tataas ng kalagayan, ang aking wika pa

Ang pagkatakot kay Yaweh ang simula ng karunungan
Masama at mabuti matagal ko nang alam yan
Ngunit di magawang umiwas sa kasamaan
Dahil ang puso ay balot ng kamangmangan

Ang paglayo sa kasalanan, ito ang tunay na karunungan
Ituro sa mga anak, pati na sa mga kaibigan
Pagsikapang matamo dunong na panghabang buhay
Pagkat pananahan sa mundo ay pansamantala lamang

Landas na tahak, nais bang ilipat upang di maging hamak?
Dunong  na mula Sa’yo,  hindi makasarili kundi isang bayani
Tinig na laging iniiwasan sya palang katipan sa liwasan
Ikaw pala’y naghintay? Inaabangan ang prutas kong tangan

(sinulat ni Evelyn Guillermo)

ISANG DIPA



“May natatandaan ka ba sa nangyari sa’yo?.. kilala mo ba sya?” ang unang tanong na kinamulatan ko mula sa isang doctor. Nananaginip ba ako?, horror ba to?  Wala akong kakayanan na magsalita, hanggang tingin lang ang kaya ko gawin.  Hanggang sa naalala ko ang isang enkwentro,, may kumukuha sa kamay ko dalawang beses, nag resist ako, ang sabi ko HINDI!!!  alam kong nasa ospital ako pero bakit hindi ko kayang gumising..  takot ang naramdaman ko, mamamatay na ba ako? Oras ko na ba?  Pero bakit hindi ko nararamdaman na angel of the Lord ang mga kamay na kumukuha sa akin?  Nanalangin ako’t nakiusap sa Panginoon,. “Gisingin mo ako please, bigyan mo pa ako ng pagkakataong mabuhay, patawarin mo ako sa mga kasalanan ko at pagkukulang, hindi pa ako handa, di ko pa nagagawang makapaglingkod ng totohanan,, hindi pa ako handang humarap Sa’yo.”  Matapos ang matagal tagal na pakiusapan, hindi ko namalayan nakabalik na ako sa natural na pagkakatulog.. nanahimik na ang nagpupumalag kong ispiritu. 

Nasa tabi ko ang aking asawa,, gising na gising na ko, pero ang dami na palang nangyari, at mga naikabit sa katawan ko.  Ayoko nito… gusto ko umupo, pero hinang hina ako.  Muli akong nakatulog,, hanggang sa maramdaman ko may mahabang ipinapasok sa ilong ko at pilit na pinapalunon sa akin.. ayoko nito…. Ayoko talaga.. pero hindi ako makapalag sa sobrang hina ng katawan.  Sinabi ko sa sarili ko kelangan makaupo ako, pipilitin ko.  Nang muli akong nagising sinabi ko sa asawa kong gusto kong tanggalin nila ang ipinasok sa ilong ko papuntang lalamunan (NGT).  Gusto ko na kumain, gusto ko na bumangon. Nagulat ang doctor na naroroon ng nakita akong nakaupo sa kama, bagamat medyo mahina pa.  Nginitian ko silang lahat na nakatuon sa akin ng mga oras na yon.. mga MITU nurses at si doktora.  Masaya sila pero bakas sa mga mukha nila ang magkahalong pagkagulat at pagkamangha. 

Unti unti kong nalaman kung ano ang mga pinagdaanan ko ayon sa mga salaysay nila.  May mga dumadalaw na mga kaibigang nurses.. “alam mo ba na nag-arrest ka Evelyn?.. pinipilit kang gisingin pero di ka na nagreresponse...”nagulat ako.. “ha?!!! Ganun ako kalala?” Wala akong alam sa mga pangyayaring yun, basta ang natatandaan ko ay ang Enkwentro ko sa kamay na kumukuha sa akin at ang pagmamakaawa sa Diyos!!

Nabatid kong ISANG DIPA na lang ang layo ko sa Kamatayan… naalala ko si Hesus, ipinako sa krus, naka DIPA,, pagpapahiwatig ng pagmamahal at naising ako’y bigyan ng panibagong BUHAY.

   

Pasasalamat sa aking mahal na kabiyak na hindi umalis sa aking tabi hanggang sa ako’y gumaling. Sa mga doctor at nurses. Sa aking matalik na kaibigan, si Tess na kasamang nagbantay at nananalangin habang ako’y nasa bingit ng kamatayan.  Sa mga kasamahan ko sa opisina at iba pang kaibigan na labis na nag-alala at nagpamalas ng malasakit. HIgit sa lahat sa Panginoong Hesus sa kanyang napakalawak at di masukat na biyaya at pagmamahal sa kabila  ng aking mga pagkukulang. Sa Diyos ang lahat ng Karangalan!!!